Ang enzymes ay mga uri ng protina na gawa sa proseso ng translation. Tumutulong ang mga ito sa pagpapabilis ng mga natural na chemical reactions sa katawan sa pamamagitan ng pagbabawas ng energy requirement. Pinapadali ng enzymes ang pagputol, pagproseso, o pagbuo ng mga kemikal para makabuo ng final product. Halimbawa, tumutulong ang enzymes sa pagtunaw ng pagkain sa tiyan.