Ang Golgi apparatus ay isang organelle na may anyong parang stack ng flat sacs. Dito pinoproseso, nilalabel, at pinapackage ang proteins at lipids mula sa ER. Pagkatapos, inilalagay ang mga ito sa vesicles para ipadala sa iba’t ibang bahagi ng cell o palabas ng cell.