Ang ribosome ay isang maliit na organelle na responsable sa paggawa ng proteins. Binubuo ito ng rRNA at proteins. Maaari itong makitang nakakabit sa rough ER o lumulutang sa cytoplasm. Sa ribosome isinasagawa ang translation kung saan ang mRNA ay ginagamit bilang guide sa pag-assemble ng amino acids.