Ang Okazaki fragments ay mga maikling segment ng DNA na nabubuo sa lagging strand habang nagre-replicate ang DNA. Dahil hindi diretsong masundan ng DNA polymerase ang helicase sa lagging strand, kailangang hati-hatiin muna ito at saka pagdudugtung-dugtungin gamit ang enzyme na DNA ligase.