Ang osmosis ay isang uri ng passive transport kung saan ang tubig ang molecule na gumagalaw. Ang tubig ay dumadaloy mula sa lugar na may mas kaunting solute papunta sa lugar na mas marami ang solute. Samantalang ang diffusion ay tumutukoy sa paggalaw ng kahit anong molecule mula sa mataas papuntang mababang concentration.