Ang passive transport ay paggalaw ng molecules mula sa lugar na may mataas na concentration papunta sa lugar na may mababang concentration nang hindi gumagamit ng enerhiya. Samantalang ang active transport ay nangangailangan ng enerhiya mula sa ATP para makagalaw ang molecules laban sa concentration gradient (mula mababa papuntang mataas ang concentration).