Ang plasma membrane ay ang outer boundary ng cell na binubuo ng phospholipid bilayer. Isa ito sa mga pangunahing organelle ng cell na nagkokontrol kung anong mga substance ang maaaring pumasok o lumabas. Ito ay semipermeable—pinipili lamang kung ano ang papayagang makalusot batay sa laki o polarity ng molecules.