Ang mitochondria ay isang organelle na gumagawa ng enerhiya sa anyo ng ATP. Mayroon itong sariling DNA at may double membrane. Sa loob ng mitochondria, isinasagawa ang cellular respiration kung saan ang glucose ay pinoproseso upang makagawa ng ATP, kaya tinawag itong powerhouse ng cell.