Ang transcription ay ang proseso kung saan ang genetic code mula sa DNA ay kinokopya upang makagawa ng RNA. Dito, ang RNA polymerase ang enzyme na nagbabasa sa template strand ng DNA at gumagawa ng mRNA (messenger RNA). Ito ang unang hakbang para makagawa ang cell ng proteins.