Ang nucleic acids ay mga organic molecules na binubuo ng DNA at RNA. Mahalaga ito dahil dito nakaimbak ang genetic information ng bawat cell. Ang DNA ang nagtataglay ng impormasyong ginagamit sa paggawa ng proteins, habang ang RNA ang nagsasalin ng impormasyong ito para makabuo ng aktwal na proteins na ginagamit ng cell para mabuhay at gumana ng maayos.