Ang triglycerides ay uri ng lipid na binubuo ng tatlong fatty acid chains na nakakabit sa isang glycerol. Ito ang pangunahing anyo ng fat sa katawan at ginagamit bilang imbakan ng enerhiya. Matatagpuan ito sa adipocytes (fat cells) at naglalabas ng doble ang dami ng enerhiya kumpara sa glucose. Ngunit mas mabagal ang paggamit dito dahil mas mahirap itong i-proseso ng katawan.