Ang element ay isang uri ng matter na binubuo lamang ng iisang klase ng atom. Sa periodic table, may 114 confirmed elements at 98 sa mga ito ay natural na nangyayari sa kalikasan. Sa anatomy at biology, mahalaga ang ilang elemento tulad ng hydrogen (H), carbon (C), nitrogen (N), at oxygen (O) dahil sila ang bumubuo sa katawan ng tao.Halimbawa, ang carbon ay batayang elemento ng lahat ng organic molecules tulad ng carbohydrates at proteins. Ang oxygen ay kailangan sa respiration o paghinga upang makagawa ng energy ang katawan. Ang nitrogen naman ay mahalaga sa paggawa ng proteins at DNA.Mahalagang pag-aralan ang elements sa anatomy at physiology dahil nakakaapekto ito sa chemical reactions sa katawan. Kung kulang o sobra ang isang element sa katawan, maaari itong magdulot ng sakit o problema sa kalusugan.