Ang corruption ay ang ilegal o di-etikal na paggamit ng kapangyarihan para sa pansariling pakinabang. Sa ekonomiya, ito’y nagdudulot ng maling paggamit ng pondo ng bayan, tulad ng mga ghost projects o overpriced contracts. Halimbawa, ang Fertilizer Fund scam sa ilalim ni Gloria Macapagal Arroyo ay isa sa mga kasong nagpakita kung paano naaapektuhan ng katiwalian ang budget para sa agrikultura na dapat sana’y makatutulong sa produksyon ng pagkain sa bansa.