Ang remittance ay ang perang ipinapadala ng mga OFWs sa kanilang pamilya sa Pilipinas. Mahalaga ito sa ekonomiya dahil ito ang nagpapalakas ng consumer spending at tumutulong sa pagtaas ng dollar reserves. Halimbawa, kahit sa gitna ng pandemya, malaking tulong ang remittance upang mapanatiling buhay ang lokal na kalakalan.