Ang privatization ay ang pagbebenta ng mga pampublikong negosyo o serbisyo sa pribadong sektor. Layunin nito ang mas episyente at mas mahusay na serbisyo, ngunit may panganib na tumaas ang presyo dahil sa tubo ng pribadong kumpanya.Halimbawa, ang pagpasa ng water services sa pribadong kumpanya ay naging kontrobersyal. Bagama’t mas mabilis ang serbisyo, marami ring nagreklamo sa mataas na singil sa tubig.