Ang inclusive growth ay pag-unlad ng ekonomiya na ramdam ng lahat ng sektor ng lipunan, lalo na ang mahihirap. Hindi sapat na mataas ang GDP; dapat ay nararamdaman din ito sa dagdag na trabaho, serbisyong panlipunan, at pag-angat ng kalidad ng buhay.Sa ilalim ni Noynoy Aquino, naging tema ng administrasyon ang "inclusive growth" kaya’t pinagtibay ang conditional cash transfer program (Pantawid Pamilyang Pilipino Program). Mahalaga ito para sa pantay-pantay na pag-unlad.