Ang exchange rate ay ang halaga ng palitan ng piso kumpara sa ibang salapi gaya ng dolyar. Kapag humina ang piso, mas mahal ang mga imported na produkto tulad ng langis, pagkain, at gamot.Ito ay maaaring magdulot ng pagtaas ng presyo o inflation. Halimbawa, kapag ang dolyar ay ₱60 na sa halip na ₱50, tataas ang presyo ng imported na bigas o gasolina. Kaya’t mahalaga ang matatag na exchange rate sa ekonomiya.