Ang infrastructure-led growth ay estratehiyang pang-ekonomiya na nakatutok sa malawakang pagpapatayo ng mga kalsada, tulay, paliparan, at iba pa upang pasiglahin ang ekonomiya.Sa ilalim ng Build, Build, Build program ni Duterte, nakapagtayo ng maraming proyekto upang lumikha ng trabaho at mapabilis ang kalakalan. Gayunpaman, may mga isyu ng delay, utang, at sustainability na kailangang pagtuunan.