Ang recession ay isang panahon kung kailan sunod-sunod na bumababa ang GDP sa loob ng ilang quarter o anim na buwan pataas. Karaniwang kasama rito ang pagtaas ng unemployment, paghina ng negosyo, at pagbaba ng produksyon.Ang depression naman ay mas matagal at mas malubha kaysa sa recession, tulad ng nangyari sa ilang bansa noong Great Depression ng 1930s. Sa Pilipinas, nakaranas tayo ng recession sa panahon ng pandemya at kailangang sumuporta ang gobyerno sa ekonomiya para makabangon.