Ang debt servicing ay ang kabuuang halaga na ginugugol ng pamahalaan sa pagbabayad ng utang at interes nito kada taon. Kapag sobra ang porsyento ng budget na napupunta rito, nababawasan ang pondo para sa edukasyon, kalusugan, at ayuda.Noong panahon ng 1980s, halos kalahati ng budget ng Pilipinas ay napupunta sa debt servicing, kaya’t maraming serbisyong panlipunan ang napabayaan. Dito mahalaga ang responsableng pangungutang.