Ang inflation ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya. Kapag mataas ang inflation, bumababa ang halaga ng pera kaya mas kaunti ang mabibili nito.Maaaring maapektuhan ang inflation ng mga polisiya tulad ng pagbawas o pagtaas ng buwis, subsidiya sa produktong pagkain, o import restrictions. Sa panahon ni Marcos Sr., ang sobrang pag-utang at krisis sa langis ay nagpalala ng inflation noong dekada ’80. Para ma-kontrol ito, kailangan ng tamang monetary at fiscal policy.