Ang labor export policy ay ang sistematikong pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa upang makakuha ng dolyar sa pamamagitan ng remittances.Simula sa panahon ni Marcos Sr., naging bahagi na ito ng national policy. Bagama’t malaki ang kita ng bansa mula rito, nagdudulot din ito ng brain drain at epekto sa mga pamilyang naiiwan sa bansa.