Ang sovereign wealth fund ay pondo ng pamahalaan na binuo mula sa labis na kita ng bansa, gaya ng kita sa langis o foreign reserves. Layunin nitong mapalago ang yaman ng bansa sa pamamagitan ng pamumuhunan.Gayunman, kailangang maingat sa paggamit nito upang maiwasan ang korupsyon. Halimbawa, ang 1MDB scàndal sa Malaysia ay naging babala kung paano maaaring abusuhin ang ganitong pondo kung walang transparency.