Ang mga sanaysay ni Jose Rizal ay puno ng mga kaisipan tulad ng nasyonalismo, pagmamahal sa bayan, pagpapahalaga sa edukasyon, at paglaban sa katiwalian at kolonyalismo.Sa kanyang mga akda, hinihikayat niya ang mga Pilipino na magising sa katotohanan at labanan ang pang-aapi gamit ang talino at hindi dahas. Mahalaga ang mga kaisipan ni Rizal para umunlad ang bayan dahil ito ay nagsisilbing gabay sa pagbuo ng isang makabansa, matalino, at makatarungang lipunan. Ang edukasyon at kamalayang makabayan ay pundasyon ng tunay na kalayaan.