Bago kami maging benepisyaryo ng Pantawid Pamilya, madalas ay kulang kami sa pagkain at hindi sapat ang kita ng aking mga magulang. Nahihirapan kaming makabili ng gamit sa eskwela, at minsan ay hindi rin kami nakakapasok dahil sa kakulangan ng pamasahe. Sa aming komunidad, marami rin ang walang trabaho at kulang sa suporta mula sa gobyerno.