Mahalagang maintindihan ng mga magulang kung paano sila tinitingnan ng kanilang mga anak dahil dito nila malalaman kung anong ugali ang nakakaapekto sa mga bata. Kung napapabayaan na ng magulang ang anak dahil sa sobrang paggamit ng gadget, dapat itong baguhin. Dapat surrin kung ang tahanan ba ay isang lugar kung saan may positibong impluwensya o hindi. Kung alam ng magulang ang epekto ng kanyang gawi, mas madali siyang makakagawa ng paraan upang mapabuti ang pagpapalaki ng anak.