Ang privatization ay ang proseso ng pagbebenta ng mga ari-arian o negosyo ng gobyerno sa mga pribadong kumpanya. Sa India, sinimulan ito noong dekada ’90 bilang bahagi ng economic liberalization upang mas maging epektibo at competitive ang mga kompanyang dating kontrolado ng gobyerno. Sa Indonesia, ganito rin ang ginawa matapos ang 1997 financial crisis, lalo na sa sektor ng enerhiya at transportasyon. Ang layunin ng privatization ay palakasin ang serbisyo at bawasan ang utang ng pamahalaan. Ngunit kung walang tamang regulasyon, maaaring abusuhin ito at magdulot ng mataas na presyo o serbisyo na hindi pantay.