Ang economic miracle ay tawag sa bigla at mabilis na pag-unlad ng isang bansa sa maikling panahon. Tinawag na ganito ang South Korea dahil sa paglago ng kanilang ekonomiya matapos ang Korean War. Mula sa pagiging isa sa pinakamahirap na bansa noong 1950s, naging isa itong industriyalisadong bansa sa loob lamang ng ilang dekada. Tinagurian din na economic miracle ang Taiwan at Vietnam, na parehong bumangon mula sa digmaan at nagsagawa ng mga patakarang nakatuon sa agrikultura, edukasyon, at kalakalan. Ang mga bansang ito ay naging patunay na posible ang pag-angat mula sa kahirapan sa pamamagitan ng tamang pamumuno at polisiya.