Ang special economic zone (SEZ) ay isang lugar sa loob ng isang bansa kung saan may espesyal na mga batas sa negosyo at buwis upang makahikayat ng dayuhang pamumuhunan. Sa China, itinatag ang unang SEZ sa Shenzhen noong 1980s. Dito, pinayagan ang mga pribadong negosyo at foreign investors na mamuhunan, magtayo ng pabrika, at mag-export ng produkto. Sa loob lamang ng ilang taon, lumago ang ekonomiya ng Shenzhen at naging modelo para sa iba pang bahagi ng bansa. Ganon din sa Vietnam, na nagtayo ng mga industrial park at SEZs bilang bahagi ng kanilang patakarang “Doi Moi.” Ang mga lugar na ito ay naging sentro ng trabaho, teknolohiya, at kalakalan na tumulong sa mabilis na paglago ng kanilang ekonomiya.