Ang Stagflation ay isang kakaibang sitwasyon sa ekonomiya kung saan sabay na tumataas ang inflation (pagtaas ng presyo) at tumataas din ang unemployment (kawalan ng trabaho). Karaniwan, kapag may inflation, mababa ang unemployment at kabaliktaran. Kaya’t ang stagflation ay tinuturing na problema ng parehong consumer at producer.Isang kilalang halimbawa ng stagflation ay ang krisis noong 1970s, partikular na ang oil crisis nang magbawas ng produksyon ang OPEC (Organization of Petroleum Exporting Countries). Dahil dito, tumaas nang husto ang presyo ng langis sa buong mundo. Maraming bansa, kabilang ang Pilipinas, ang labis na naapektuhan. Tumaas ang presyo ng transportasyon, kuryente, at iba pang bilihin. Kasabay nito, bumagsak ang produksyon at maraming negosyo ang nagsara, kaya maraming nawalan ng trabaho.Sa stagflation, nahihirapan ang gobyerno at Bangko Sentral kung paano aayusin ang problema. Kapag tinangka nilang pababain ang inflation gamit ang interest rate hike, lalong titigil ang paggasta ng tao at maaaring lumala ang unemployment. Ngunit kung pasisiglahin nila ang demand, baka tumaas lalo ang inflation. Kaya’t napakahirap itong kontrolin.Sa Pilipinas, may ilang indikasyon ng stagflation sa mga panahong sabay tumaas ang presyo ng bilihin at tumaas ang bilang ng walang trabaho—karaniwan ito sa mga panahon ng krisis sa enerhiya o pandemya. Kaya’t mahalaga ang maingat na kombinasyon ng polisiya ng gobyerno at Bangko Sentral upang maiwasan ito.