Ang Deflation ay ang kabaligtaran ng inflation—ito ay ang pagbaba ng pangkalahatang antas ng presyo ng mga produkto at serbisyo. Sa unang tingin, mukhang maganda ito dahil bumababa ang presyo. Ngunit sa katotohanan, delikado ito sa ekonomiya.Kapag may deflation, ang mga konsyumer ay nag-aantay na lang ng mas mababang presyo bago bumili. Halimbawa, kung ang presyo ng cellphone ay ₱15,000 ngayon pero inaasahang magiging ₱12,000 sa susunod na buwan, maraming tao ang pipiliing hindi muna bumili. Sa ganitong paraan, bumababa ang demand at bumabagal ang produksyon. Kapag tumigil ang mga negosyo sa produksyon, nagtatanggal sila ng manggagawa, na nagreresulta sa mataas na unemployment.Halimbawa sa Japan, may mga taon na nakaranas sila ng deflation dahil sa mababang paggasta at sobrang pagtitipid ng mga mamamayan. Bumababa ang presyo ng bilihin pero hindi ito naging dahilan ng kasiyahan ng mga tao. Sa halip, lumala ang kawalan ng trabaho at bumagal ang paglago ng ekonomiya.Sa Pilipinas, hindi pa masyadong nararanasan ang matinding deflation, ngunit may panganib ito lalo na kung biglang bumaba ang consumer confidence o kung may matinding krisis tulad ng malawakang pagkawala ng trabaho.Ang solusyon sa deflation ay karaniwang expansionary monetary policy, tulad ng pagbaba ng interest rate o pagtaas ng supply ng pera sa ekonomiya. Layunin nitong pasiglahin muli ang paggasta ng mga tao at negosyo upang muling umikot ang ekonomiya.