HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Economics / Senior High School | 2025-05-23

Ano ang Green Revolution at paano ito isinulong ni Ferdinand Marcos Sr.?

Asked by jaymaefrancepra1643

Answer (1)

Ang Green Revolution ay kampanya upang paunlarin ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya tulad ng high-yielding rice varieties (HYVs), kemikal na pataba, at irigasyon. Sa panahon ni Marcos, ito ay isinulong sa pamamagitan ng Masagana 99 program na layuning taasan ang ani ng palay sa buong bansa.Naging matagumpay ito sa simula at nagresulta sa pagiging self-sufficient ng Pilipinas sa bigas. Ngunit kalaunan, maraming magsasaka ang nalubog sa utang dahil sa gastos sa binhi at pataba. Ang masaganang ani ay hindi rin sapat kung walang repormang tunay na mag-aangat sa kabuhayan ng mga magsasaka.Nakalulungkot, marami rin sa mga cronies o mga malalapit na kaibigan ni Marcos na nasa industriya ng agrikultura ang lubusang nakinabang sa mga proyekto at tulong ng gobyerno. Ang ilan pa nga sa kanila ay nagtaguyod ng modern slavery gamit ang mga bilanggo sa mula sa mga kulungan upang makakuha ng libre o murang labor.

Answered by Storystork | 2025-05-26