Ang Masagana 99 ay programang pang-agrikultura ni Marcos na nagsimula noong 1973 na layuning makapag-ani ng hindi bababa sa 99 cavans ng palay kada ektarya. Sa simula, itinuturing itong matagumpay dahil dumami ang ani at nabawasan ang pag-angkat ng bigas.Ngunit sa kalaunan, maraming magsasaka ang hindi nakabayad ng utang mula sa mga programang pautang ng pamahalaan. Nawalan sila ng access sa panibagong pondo at nagkaroon ng "loan default crisis." Ipinakita ng programang ito na kahit may makabagong teknolohiya, kailangan pa rin ng suporta sa marketing, presyo, at repormang panlupa.Ang totoo niyan, 3.7% pa nga lang ng mga maliliit na magsasaka sa Pilipinas ang nagkaroon ng oportunidad na makautang sa programa. Nagkaroon din ng hindi magandang impact ang Masagana 99 sa kalikasan dahil itinaguyod nito ang paggamit ng mga synthetic fertilizers at iba pang mga kemikal na inangkat pa mula sa ibang bansa. Sa huli, lalong bumaba ang ani ng mga magsasaka. Napasawalang-halaga ang mga traditioinal farming methods at ang pangangalaga sana sa ilang species ng mga insekto.