Ang Bataan Nuclear Power Plant ay proyektong pinondohan ng $2.3 bilyon at itinayo sa Morong, Bataan noong dekada ’70 bilang tugon sa energy crisis. Layunin nitong magsuplay ng kuryente gamit ang nuclear energy. Gayunman, naging kontrobersyal ito dahil sa alegasyon ng overpricing, suhulan, at ang lokasyon nito sa isang aktibong fault line. Matapos ang 1986 Chernobyl nuclear disaster sa Russia, hindi na ito pinagana ni Corazon Aquino. Hanggang ngayon, nananatili itong simbolo ng kapalpakan at katiwalian sa panahon ni Marcos, at isang aral sa tamang paggamit ng pondo ng bayan.