Ang Balance of Payments Crisis ay isang kalagayan kung saan mas malaki ang gastos ng isang bansa sa pag-angkat at pagbayad ng utang kaysa sa kinikita nito mula sa pag-export at remittances. Noong 1983–1985, nalugmok ang Pilipinas sa krisis na ito dahil sa lumalaking foreign debt, political instability, at pagbaba ng exports. Nawalan ng tiwala ang mga dayuhang bangko at hindi na nagpapautang. Dahil dito, kulang ang dolyar sa bansa, humina ang piso, at tumaas ang presyo ng mga bilihin. Tumigil ang maraming negosyo, at nalagay sa matinding krisis ang kabuhayan ng mga Pilipino.