Ang kudeta economy ay tawag sa kalagayang pang-ekonomiya ng Pilipinas noong panahon ng Aquino administration kung kailan sunud-sunod ang mga tangkang kudeta mula sa mga grupong militar. Mula 1986 hanggang 1990, nagkaroon ng mahigit pitong tangkang pagpapabagsak ng pamahalaan. Dahil dito, naging unstable ang political climate ng bansa, at naapektuhan ang kumpiyansa ng mga local at foreign investors. Maraming negosyo ang tumigil sa operasyon, bumagsak ang stock market, at lumakas ang pag-alis ng kapital mula sa bansa. Isa itong malaking hadlang sa muling pagbangon ng ekonomiya matapos ang diktadurya.