Ang inflation targeting ay isang polisiya ng Bangko Sentral ng Pilipinas kung saan itinatalaga ang target range ng inflation kada taon upang mapanatili ang presyo ng bilihin sa abot-kayang antas. Sa panahon ni Arroyo, ang BSP ay mas naging independent at agresibo sa paggamit ng monetary policy upang makontrol ang pagtaas ng presyo ng bilihin.Ginamit nito ang interest rates, open market operations, at currency adjustments upang tugunan ang inflation. Bagama’t may ilang taon ng mataas na presyo ng langis at bigas, naging tagumpay ang pagpapanatili ng inflation sa loob ng target range sa karamihan ng kanyang termino.