Ang global financial crisis noong 2008 ay nagsimula sa U.S. housing bubble collapse at naging dahilan ng pagbagsak ng mga bangko at merkado sa buong mundo. Sa Pilipinas, naapektuhan ang export sector dahil sa pagbagsak ng demand sa mga bansang trading partners natin, lalo na sa electronics at garments. Ngunit nanatiling matatag ang bansa dahil sa matibay na sektor ng OFW remittances, BPO, at conservative banking system. Hindi kasing tindi ng epekto sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa tulad ng Thailand o Indonesia. Isa itong tagumpay ng maingat na polisiya ng Bangko Sentral at pamahalaan.