Ang Public-Private Partnership ay isang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor kung saan magkasama nilang pinopondohan, pinapatakbo, o pinamamahalaan ang mga proyektong imprastruktura tulad ng kalsada, paliparan, at power plants.Sa panahon ni Arroyo, sinimulan ang ilang PPP projects sa transportasyon at water management upang mapabilis ang development nang hindi dumedepende sa buwis o utang. Naging daan ito upang makapasok ang pribadong innovation sa mga proyektong pampubliko, ngunit kailangang tiyakin na hindi pinapaboran ang iilang kumpanya lamang. Sa mga sumunod na administrasyon, lalo pang pinalawak ang PPP framework.