Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ay isang transfer cash program na naglalayong bawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na pamilya kapalit ng pagsunod sa mga kondisyon tulad ng pag-aaral ng mga anak at pagpapakonsulta sa health centers. Bagama’t nagsimula ito sa ilalim ng administrasyong Arroyo, pinalawak ito ni Aquino at naging flagship anti-poverty program. Lumawak ang saklaw nito sa mahigit 4.4 milyong pamilya. Ipinakita ng 4Ps ang layunin ng pamahalaan na gamitin ang pondo sa mas target na benepisyaryo, hindi sa padrino o pork barrel.