Sa panahon ni Benigno Aquino III, ang GDP growth ay isa sa pinakamataas sa kasaysayan ng Pilipinas mula dekada 1970s. Mula 2010 hanggang 2016, umabot sa average na 6.2% ang paglago kada taon, na mas mataas kaysa sa mga naunang administrasyon.Itinuturing ito ng mga ekonomista bilang bahagi ng “Philippine economic comeback” matapos ang dekada ng mabagal na pag-unlad. Ang mataas na growth ay dulot ng malakas na BPO sector, remittances, investment inflow, at matatag na polisiya sa pananalapi at buwis. Gayunman, nanatiling hamon ang pagbawas ng hindi pantay na distribusyon ng kita.