Ang investment grade rating ay isang sukatan ng creditworthiness o kakayahang magbayad ng utang ng isang bansa, ibig sabihin ay ligtas itong pautangin at may kakayahang magbayad ng utang.Sa panahon ni Noynoy Aquino, nakuha ng Pilipinas mula sa mga international rating agencies (Fitch, Moody’s, S&P) ang kauna-unahang investment grade status noong 2013. Ito ay bunga ng mababang deficit, matatag na GDP growth, reporma sa buwis, at anti-corruption efforts. Ang rating na ito ay nagbukas ng mas murang pag-utang at mas maraming dayuhang investment. Isa itong tagumpay sa macroeconomic management ng pamahalaan.