Ang pork barrel ay tawag sa Priority Development Assistance Fund (PDAF), na pondo para sa mga mambabatas upang pondohan ang mga proyektong lokal. Noong 2013, nabunyag ang pork barrel scåm kung saan ipinakitang may ilang politiko ang naglabas ng pondo sa mga pekeng NGO kapalit ng kickback.Ito ay nagdulot ng malawakang galit sa publiko at pagkawala ng tiwala sa Kongreso at ilang bahagi ng gobyerno. Sa ekonomiya, bumaba ang kumpiyansa ng mamumuhunan at pansamantalang bumagal ang disbursement. Ngunit positibo ring epekto nito ay ang pagsasaayos ng sistema sa pagbibigay ng pondo sa mas transparent na paraan.