Ang baha at flashflood ay parehong uri ng sakuna na dulot ng labis na pag-ulan o malalakas na bagyo, ngunit may pagkakaiba sila sa bilis ng pagdating at epekto.Ang baha ay ang unti-unting pag-apaw ng tubig sa mga mabababang lugar. Karaniwan itong nangyayari kapag hindi makaya ng drainage system o kanal ang dami ng tubig-ulan, kaya naiipon ito sa mga kalsada, kabahayan, at bukirin. Maaaring tumagal ito ng ilang oras hanggang araw bago humupa.Ang flashflood naman ay biglaang pagragasa ng rumaragasang tubig mula sa mga ilog, estero, sapa, o bundok. Madalas itong nangyayari sa mga lugar na may matarik na dalisdis o kung saan walang sapat na vegetation para sumipsip ng tubig. Sa loob lamang ng ilang minuto, maaari na itong manalanta ng bahay, sasakyan, at buhay.