Ang mabuting paggabay at pagsuporta sa mga anak ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang aral, pagmamahal, at pag-unawa. Tinutulungan sila sa paggawa ng takdang aralin, tinuturuan ng magandang asal, at pinalalakas ang loob kapag may problema. Ang pagiging magulang ay hindi lang basta tagapangalaga, kundi dapat ay kaagapay sa paglaki ng isang mabuting tao.Ang isang mabuting magulang ay hindi iniaasa sa ibang tao ang pagpapalaki o pagtuturo sa anak. Oo, may mga magulang na kinakailangan lumisan ng bansa o bayan nila upang maghanapbuhay pero sinisigurado nila na ang anak nila ay ihahabilin sa mga tagapag-alaga na alam nilang makapagbibigay ng tamang atensiyon, pag-aalaga, at magtuturo ng tama sa bata.Ang mga bata na nabigyan ng maayos na gabay at suporta ng mga magulang o guardian nila ay lumalaking may matapang at maayos na konsiyensiyang gumagabay sa kanila kahit na sila ay malayo sa tahanan. Sila ay walang takot na magsalita tungkol sa kanilang damdamin, saloobin, at mga iniisip sa kanilang tahanan dahil alam nila na hindi sila basta-basta pagagalitan kundi sila ay gagabayan sa paraan na makatuwiran.