Kailangang itali ng maayos ang bubong ng bahay upang maiwasan itong tangayin ng malalakas na hangin lalo na kapag may bagyo. Kapag lumipad ang bubong, malalantad ang loob ng bahay sa ulan at hangin, kaya posibleng masira ang mga gamit o masaktan ang mga tao sa loob. Bukod dito, ang lumilipad na bubong ay maaaring makadisgrasya sa kapitbahay o mga dumadaan.