Ang kapital sa produksiyon at pagnenegosyo ay tumutukoy sa anumang gamit o yaman na ginagamit upang makalikha ng produkto o serbisyo. Hindi ito tumutukoy sa pera lamang, kundi pati sa mga makina, kagamitan, gusali, teknolohiya, at iba pang kasangkapan na tumutulong sa proseso ng produksyon.ProduksiyonAng kapital ay isa sa apat na salik ng produksiyon (kasama ng lupa, paggawa, at entreprenyur).Halimbawa - makina sa pabrika, kompyuter sa opisina, delivery truck ng isang negosyo.PagnenegosyoAng kapital ay maaaring tumukoy sa panimulang puhunan o investment na ginagamit para simulan o palaguin ang negosyo.Halimbawa - perang ginamit para bumili ng paninda, magtayo ng tindahan, o kumuha ng empleyado.
Ang kapital ay isa ring factor of production at tumutukoy sa mga kagamitang ginagamit upang makalikha ng produkto o serbisyo. Halimbawa nito ang mga makina, gusali, computers, at iba pang gamit sa pabrika. Hindi ito pera mismo, kundi ang pisikal na kagamitan na napagkakagastusan upang mapabilis at mapaganda ang produksyon. Kapag maraming capital ang isang negosyo, mas mataas ang kalidad at dami ng produkto. Sa antas ng bansa, ang pamumuhunan sa capital goods ay nagpapabilis ng economic growth.