Ang GDP per Capita ay ang kabuuang GDP ng bansa na hinati sa bilang ng populasyon. Ginagamit ito para sukatin ang karaniwang kita o produksyon kada tao. Pero kahit mataas ang GDP per capita, maaaring hindi pantay-pantay ang kita. Halimbawa, kahit mataas ang GDP per capita sa NCR, marami pa ring urban poor communities sa Maynila.