Ang Euro (€) ay ang opisyal na pera ng karamihan sa mga bansang kasapi sa European Union. Layunin ng paggamit ng iisang currency ay mapadali ang kalakalan at palitan ng produkto sa loob ng Europa. Halimbawa, ang France at Germany ay parehong gumagamit ng euro, kaya hindi na nila kailangang magpalit ng currency tuwing sila ay nagnenegosyo. Ang euro ang ikalawang pinakamalakas na pera sa mundo kasunod ng US dollar. Ngunit may kahinaan ito: hindi kayang kontrolin ng bawat bansa ang sarili nilang monetary policy. Halimbawa, noong 2010, nahirapan ang Greece sa kanilang utang dahil hindi nila puwedeng gamitin ang sariling paraan tulad ng pagbababa ng interest rate para ayusin ang ekonomiya.