Ang Federal Deposit Insurance Corporation ay isang ahensiyang itinatag ng Glass-Steagall Act na may layuning protektahan ang deposito ng publiko sa mga bangko. Kung sakaling magsara ang isang bangko, sinisigurado ng FDIC na mababayaran pa rin ang depositors hanggang sa isang takdang halaga. Ito ay nakatulong upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa sistema ng pagbabangko.